meat-lite

Going “Meat-Lite”

Alam naman natin na batay sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng sobrang taba sa ating tiyan ay sanhi ng hindi balanseng diet. Karaniwan, ito ay dahil sa pagkain ng sobrang saturated fat na nanggagaling sa taba ng hayop — o karne.

Ang pagkain na sobra sa saturated fat ang tinuturing na isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mga chronic illnesses katulad ng alta presyon, diabetes, sakit sa puso at stroke. Ang pag-iwas sa ito ay makatutulong sa pagbawas sa “risk” sa pagkakaroon ng mga ganitong sakit.

Dahilan dito, nauuso ngayon ang iilang mga diet na walang lamang karne o meat products. Kabilang sa mga tawag dito ay “vegan diet”, vegetarian diet, o “plant-based diet”. Bagamat makakatulong ito sa pagbawas ng saturated fat sa katawan, hindi lahat ng tao ay handa sa ganitong pamamaraan ng pagkain.

Ang pagkain ng “meat-lite” ay transition mula sa usual na diet tungo sa isang diet na mababa o walang meat products. May mga paraan kung paano gawing “meat-lite” ang diet ninyo.